| Huh, Sauce |
| Ooh-woah, ooh, ooh-ooh, oh-oh |
| Yeah, woah, ooh-woah |
| Litrato mo sa’king telepono, tinitignan ko magdamagan |
| Ilang taon ko ng sikreto 'to, ayoko din nilang malamang |
| Damdamin ko’y binabalik sa’ting nakaraan |
| Sa t’wing dumadaan ang batang mangangaroling |
| Magkukunwaring parang walang narinig |
| Pero nakasilip sa bintana |
| Nakahawak ka sa’king braso’t tapos sabay tatawa |
| Isa 'yan sa mga masayang naaalala |
| Ayokong buksan ang mga regalo kung wala ka, wala ka |
| Ayoko nang mag-imbita |
| Mas pipiliin kong mag-noche buenang mag-isa |
| Malabo rin naman kasing mapapunta kita |
| Hanggang ngayon hindi pa rin sanay |
| Na nagpa-Pasko nang 'di ikaw ang kasama |
| Kaiyak, nakakaiyak |
| Ilang Pasko nang 'di ikaw ang kasama |
| Kaiyak, nakakaiyak |
| Ngayong Pasko na namang 'di ikaw ang kasama |
| Dama ko ba Pasko? Parang 'di na ('Di na) |
| Wala 'kong planong magpa-bisita (Isa pa) |
| 'Yung lungkot, ayaw kong ipakita |
| Please lang, 'wag niyo na muna 'kong kakatukin sa aking bahay |
| Walang babati ng Merry Christmas, nagdadalamhati |
| Aming pag-ibig hindi naghari |
| Sa t’wing huling buwan ng taon gan’to lagi |
| Simula nung mawala ka |
| Gabi ng Pasko, tanging hawak ko lang ay gitara |
| Madalas mapanaginipan, ikaw pa rin ang kasama |
| Ano pang dahilan para maghanda o magsaya kung wala ka |
| Ayoko nang mag-imbita (Woah-oh) |
| Mas pipiliin kong mag-noche buenang mag-isa (Mag-isa) |
| Malabo rin naman kasing mapapunta kita (Hey) |
| Hanggang ngayon hindi pa rin sanay |
| Na nagpa-Pasko nang 'di ikaw ang kasama (Magpa-Pasko nang 'di ikaw ang kasama) |
| Kaiyak, nakakaiyak |
| Ilang Pasko nang 'di ikaw ang kasama |
| Kaiyak, nakakaiyak |
| Ngayong Pasko na namang 'di ikaw ang kasama |
| Ooh-woah, oh-oh-oh |
| 'Di ikaw ang kasama |
| Pasko na namang 'di ikaw ang kasama |