Testo Ambag - Gloc-9, Shockra

Ambag - Gloc-9, Shockra
Informazioni sulla canzone In questa pagina puoi leggere il testo della canzone Ambag , di -Gloc-9
Canzone dall'album: Project A
Nel genere:Рэп и хип-хоп
Data di rilascio:16.10.2025

Seleziona la lingua in cui tradurre:

Ambag
(Hayaan nyong ibalik ko ng buo
Lahat ng Ambag nyo
Kung mamarapatin lang sana ngayon isali nyo ako)
Hayaan mong ibalik ko ng buo
Patawarin nyo ako
Kung napaaga lang
At may nakakaalam
Siyam tayo at di Walo
Nung lumapag ang lagapak ni gloc
Di ako na makapaniwala na
Laman mga song hits ano yan hip hop
Rap rapan palawakan talamakan
Salitang pinapaindak
Di naman puwedeng maging break dancer
Na rapper
Mag alba't tick tock
Kasi di talaga kaya madayang tadhana bintanang puro sana ang tanaw
Kaya pa kayang makilala
Maalala
Kahit salang ay hilaw
Haggang sa nadinig ko na may mga bata na sakin ay sumusubaybay
Lumulupaypay
Ng mga katagang nananalaytay
Nakita ko si abaddon don
Sa radyo pa non on
Air lang ang syang labanan
Wala pa nga kong cel phone
Parang si tupac si tuglaks
Siksikan halos matulak
Apir tapos Nag usap
At nag ka himayan ng utak
Kahit walang gang gang
Hindi sanay sa bang bang
Bumilib sa 187 mobstas
Galing din
Kasi di ito chamba
Parang kobe na Mamba
Ipagkalat mo na nagsama si gloc-9 at shockra
Hayaan nyong ibalik ko ng buo
Lahat ng Ambag nyo
Kung mamarapatin lang sana ngayon isali nyo ako
Hayaan mong ibalik ko ng buo
Patawarin nyo ako
Kung napaaga lang
At may nakakaalam
Siyam tayo at di Walo
Nagsimulang tumula, no'ng mga panahong tinatawanan pa ang katulad ko kapag kami
napapadaan na sa may kanto
Malalang tuksuhan, mistulang may putik ka sa mukha mo
'Di mo tuloy malaman kung sumpa ba 'to o 'sang regalo
Minamaliit pa ang tugtugan namin
Sa'n daw nanggaling ang aming trip, ta's pormahang alanganin
Nababaduyan ang tropa, walang gustong sumuporta
Pero pinilit tahakin ang daang walang direksyon at maraming kontra
Buti na lang mayro'ng napakinggan na Aris
Tinuring pamantayan sa pag-gamit ng papel at lapis
Bumuo ng samahang sumunod sa mga bakas niya na naiwan
Sinigurado na 'di mapapahiya kapag kaniyang napakinggan
Sulit ang matagal na pag-asam at pag-abang
Tadhana na ang gumalaw ng sakalam na pag-hakbang
Alam kong pinangarap mo din 'to na maganap
Nawala man ang ikawalo pero dumating ang ikasiyam
Labing anim ako nung nadinig, isang makata na walang kasing tulin ang bibig
Dun ako napabilib, habang kinikilig, iniisip kong ako si Gloc 9 sa aking silid
Play pause rewind, habang sinusulat, ang mga kanta mo kahit na mapuyat
Ay kinakabisado ko ang bawat bitaw sa walkman kong malapit nang malowbat
Hanggang sa nakagawa na din ng tula, mga salita na magkakatugma
Ni-rap ko ng mabilis sa boses na manipis halatadong kay Aris to nakahulma
At naging Crazymix na ang dating Mico, salamat Sisa, Crispin, Bassilyo
Nakasama ko na din si Francis M, D-coy at Aristotle Pollisco
At sa bilis ko may mga nagalak, mga natanggap na mga palakpak
Ang galing galing ko na nga daw mag rap gayang gaya ko na nga daw si Gloc!
Hanggang sa naisip kong medyo mali to, na makisilong lang sa iyong anino
Okey lang na ikaw pa din ang idol ko pero binago ko boses ko't istilo
At nabuo ang bandang pangratratan ang Genre
Walong Sumpa na mga pang gulat at tinawag na Shockra
Ambag mo'y apoy kung bat nagagawa ko, Sumunog nang mikropono sa entablado
Ikaw ang patunay na di malabo na maging makata ang simpleng tao
Dumating na ang oras na itinakda ng tadhana bago 'ko tumanda
Para 'pag natupad ito dapat handa ka palagi na malapag ang pinakamalakas mo na
akda
Na tumatagos sa mga bunbunan ng mga kumpulan
Sa tambayan ng mga nakikinig, hanggang ngayon kinikilig, mga tao nabibilib
dahil sa'king ability
Ang kanta ko binibili pati na cd, dvd na tumpukan
Handa ako lagi maki-bungguan hanggang sa dumating ako sa sukdulan
Nang nais ko na marating na tagumpay
Uulit-ulitin ko ulit nang walang humpay
Hanggang sa 'di malayo na mangyari na yung tagumpay nalang ang kusa na maumay
Haaa! limit breaker, naka-focus ako lagi sa pagiging greater
Kayang-kaya kong rap-pan kahit na ano
Tounge twist? peter piper pickled pepper
Ano nga ba ang pinakamahusay na kanta?
'Yan ang laging tanong ng napakarami
Bigyan mo kami ng gloc9 sa tagiliran tatapusin namin ang mga debate
Aming sasagarin ang mga piyesa, 'di magpapadaig 'to mga repa
'Di patatagalin, mabilis kakanain, akin nang kakalampagin mga tenga
Lupaypay, gutay ang sino mang humarang sa mga ambag ko, goodbye
'Di maumay abutin ang mga pangarap ko na talagang makulay
Gan'to nagsimula ang pangarap ng isang
Batang mahilig tumula pinagtatawanan
Walang bumilib gustong makinig
Kaya sa silid nag-ra-rap mag-isa
Ang 'di niya lang alam ay pinapakinggan siya ng palihim ng kanyang ina
Anak may dala ako na cassette tape
Nabili ko sa Odyssey
Kings Of Da Underground ng Death Threat
Sinalpak agad unang bungad
Ay agad na bumaliktad
Napa "Oh my God" volume ay sinagad
Nang marinig kong mag-rap si Gloc9
"G" to the "L" to the "O" to the "C" dash 9
Nabaliw ako sa flow ni Gloc9
A to the K to the 47
24/7 ako nagsanay
Hanggang sa silid lumabas na
Yung mga hindi bilib napahanga
Tuglaks na ngayon ang bata noon
Tumpak ako yun Malabon Thugs 187 Shockra
'Di tumigil nainip nagtiyaga at
Pinangako kay Inozent One na gagalingan hanggang sa makasama
Namin sa isang kanta
Alam ko si Ino ngayon masaya
Kasi natupad na ngayon ang collab
Ng walong sumpa at ika-siyam na si Masta
Biglang naggunita
Bumalik sa kapanapanabik makumbida
Pakiramdam na palaging umpisa
Pero paggumana kala mo walang muli pa huli na
Kung sumagad ay di na maaninag
Yung makatang tahimik kanina
Na para bang sinapian
Ng kasalungat ng aliping mahina
Pero pirming nagpapakumbaba
Habang ang pangarap itinataas
Husay ang s'yang nagdadala
Katibayang sa gawa nilalabas
Katuwang ng mga nauna
'Yung pambihira manglapas
Tangan sa beat kabit-kabit na tugma-
Ang 'di kumakalas
Kahulugan ay lihim
Kailangang sisirin
Bago ka liparin
Ng matatalinghagang may sining
Na dapat naisin
Mo na isipin
Anumang sabihin
'Di mabibitin
Mala Gloc na 'pag ratrat
A K to the 4 to the 7
Iyong sasapitin
(Hhmm...)
Panahon na mismo
Ang naging saksi
'Pag nag Shockra matik Beast Mode
Ta's may katabi
Na Aristotle Pollisco
Masdan ang anino
Kung sa'n may Hidden Info
('Bout to kill your ego!)
Numerhus
Kung meron man akong kinabaliwan
Yo'n ay musika mong kinaadikan kong pinapatugtog, binabalikan, kulang na lang
mga CD halikan
Kaya nangarap din ako na maging rapper, damit ko noon sa laki para bang daster
'Di man nakalapit habang hawak ang marker, sa malayo ay nakasaludo ako master
Mula pa dalawang libo ikaapat, hanggang dalawampu't apat
Nakasunod parin sa yapak ng nagiisang gloc
Dahilan kung bakit may mga matuling dila
Mga awitin mo na parang hindi ka humihinga
Bakit mayro'ng walong sumpa na ngayon dinadakila
Dahil sayo'ng mga lagapakan na aming nakita
Heto lang, basta walang masta gloc 9, walang fastrap, walang walong sumpa,
shock'n rapgame, ayeah!
Hindi sa bilis nasusukat, kundi sa bigat ng yung sulat
'Turing mong kidlat pag-nanggulat, salamat sa pagpasa mo ng yo'ng liwanag
Malubak man, musika mo ang siyang pumatag
Alam kong ni sa panaginip ay hindi niyo inasahang mag sama-sama sa awitin ang
mga pinagaralang minsan niyo ng tinawag na idolo, salamat
Mula "KingsOfUnderground", "Domination" hanggang sa "Ako si"nagiisa
Tunay na Lodi Petmalu sa pangkaraniwang Rap ay naiiba
Hindi nya inakalang pag nasa entablado't mic kada bibira
Ay may batang Smugg na galing pa sa Mob, pakwala ni Gab na nainspira
Teka sino to? Isang tunay na may titulong inidulo
Humanda kana par, kapag nagpaandar sya'y rumaragasang behikulo
Simbulo, katotohanan na ako'y disipulo
Ng mga salin aral sa mga sinulat mo na bersikulo
Magmula pa non hanggang sa hanggang ngayon, pakiramdam ko ako'y sinasabihan
Tulad mo na simpleng taong nagiging halimaw lapis at papel taglay na
kapangyarihan
Di pangkaraniwan ang nasa kamay na pag-asa
Dahil sayo ay tumapang mangarap na matupad ang mga sana
Sana balang araw ikaw ay makasama
Hanggang sa dumating daig pa bumahing ng dilat lumitaw na sa mapa
Walang kapantay dala kong galak, sa paghihintay kay Idol na Gloc
Nagbunga na mga binhi mong tanim at ngayon ay pasasalamat naman ang namulaklak
Hayaan nyong ibalik ko ng buo
Lahat ng Ambag nyo
Kung mamarapatin lang sana ngayon isali nyo ako
Hayaan mong ibalik ko ng buo
Patawarin nyo ako
Kung napaaga lang
At may nakakaalam
Siyam tayo at di Walo
Hayaan nyong ibalik ko ng buo
Lahat ng Ambag nyo
Kung mamarapatin lang sana ngayon isali nyo ako
Hayaan mong ibalik ko ng buo
Patawarin nyo ako
Kung napaaga lang
At may nakakaalam
Siyam tayo at di Walo

Scrivi cosa pensi del testo!

Altre canzoni dell'artista:

NomeAnno
Quinta
ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone
2020
Nasa Sa'yo
ft. Gloc-9
2014
2019
Ps
ft. Gloc-9
2023
2025
2025
2025
Magarang Kotse
ft. Abaddon, Tuglaks
2025
TRPKNNMN
ft. Agsunta
2017
Karma
ft. Gloc-9
2021
2017
Ice Tubig
ft. Mike Luis
2017
Rotonda
ft. Joey Ayala
2017
Norem
ft. Shanti Dope, Jkris, Abaddon
2017
2022
ITO ANG LIGA
ft. Gloc-9, Sam Concepcion
2022
Maleta
ft. Julie Anne San Jose
2019
Sino
ft. Abaddon, Smugglaz
2019
Ibong Adarna
ft. Gloc-9
2021
Sampaguita
ft. Gloc-9
2020