Informazioni sulla canzone In questa pagina puoi leggere il testo della canzone 3 Blind Mics , di - Loonie. Data di rilascio: 22.08.2020
Limitazioni di età: 18+
Lingua della canzone: Tagalog
Informazioni sulla canzone In questa pagina puoi leggere il testo della canzone 3 Blind Mics , di - Loonie. 3 Blind Mics |
| Ako’y nagdaramdam, sayong paglisan |
| Hindi ko malaman kung ano ang dahilan |
| Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo? |
| Pinatawad ko ang yong angal-angal |
| Ako’y nabulag sa pera, nagtatanong kung nasan |
| Ang tamang daanan, nabubulag-bulagan |
| Nagpapasalamat na lamang na buhay ako |
| Kahit lahat ng panaginip ko’y kulay abo |
| Kaya ito ang napili kong paksa |
| Ilan sa mga peklat ng sarili kong bansa |
| Bulag ka ba? Bakit ang napili mo’y ako? |
| Baka dahil bulag sa pag-ibig ko sayo |
| Baka matalisod ako, di ko alam |
| Kung nakatalikod ako o nakaharap |
| Iniwan sa lansangan dahil saking kapansanan |
| Di marunong mag-gitara pero hayup sa bagsakan |
| Kahit pa yumaman, lahat ng pera’y di pa rin sapat |
| Kung di mo mabibilang kung magkano ang lahat |
| Diyos ko po, ang tanging hiling ko lang |
| Ay makasilip naman kahit isang minuto lang |
| Ako’y nagdaramdam, sayong paglisan |
| Hindi ko malaman kung ano ang dahilan |
| Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo? |
| Pinatawad ko ang yong angal-angal |
| Di ko na maaninag ang aking nilalakaran |
| Di ko na malaman kung anong tinatapakan |
| Nangangapa baka madapa, matumba |
| Ang daang ito di ko alam kung san papunta |
| Mga matang nakatahi, di ko alam |
| Kung sino ang totoo at hindi |
| Nakangiti, nakangiwi, |
| Kaaway ba o kabati |
| Sa ilog na may shokoy na nanghihila ng binti |
| Nagulat sa mga hubad na katawan |
| Nabulag sa katanyagan at karangyaan |
| Hanggang sa makarinig ng pambihirang tunog |
| Dahilan para magising ang diwang tulog |
| Ayoko sa dilim |
| Ayoko sa mundo walang ibang kulay kundi itim |
| Tanong ko sa sarili sino nga bang talaga? |
| Naghanap pa ng iba, eh nandyan ka lang pala |
| Ako’y nagdaramdam, sayong paglisan |
| Hindi ko malaman kung ano ang dahilan |
| Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo? |
| Pinatawad ko ang yong angal-angal |
| Sa balat nakaukit, bisyong mainit |
| Ilang beses ko na itong inulit |
| Habang nakaabang sa lansangan |
| Tangan ang pangalan, salita, katunayan |
| Saang larangan man, maaasahan |
| Ang bawat laban sing bigat ng karangalan |
| Katumbas ay kayamanan, kasikatan |
| Kayabangan, kababawan |
| Ambisyon ko’y kaginhawahan |
| Kahirapan ay aking pinagsawaan |
| Diyos pala, demonyo daw ang ugali salawahan |
| Sila ay ipako man o hugasgahan |
| Parang drogang iligal, binabalikbalikan |
| Sanay mapakinggan at maramdaman |
| Ang himig ng saradong bibig ay may laman |
| Malalim ang inisip at walang may alam |
| Tatlong mikropono nagbubulag-bulagan lang pala |
| Ako’y nagdaramdam, sayong paglisan |
| Hindi ko malaman kung ano ang dahilan |
| Iniwan mo ako, bakit ka nagtampo? |
| Pinatawad ko ang yong angal-angal |
| Nome | Anno |
|---|---|
| Amago | 2023 |
| Kapayapaan ft. KV | 2023 |
| Salamat Po ft. Rhyne | 2023 |
| Meron Pa ft. KV | 2023 |
| Quinta ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone | 2020 |
| Pamanggulo | 2023 |
| XXXX | 2023 |
| Eroplanong Papel ft. Smugglaz | 2023 |
| Tugmang Preso | 2023 |
| Tao Lang ft. Quest | 2012 |
| Senyor | 2023 |
| XXX ft. Hi-C | 2020 |
| Sinungaling ft. Tuff, Ron Henley | 2020 |
| The Bobo Song | 2020 |
| Wag Ka Magdroga! | 2020 |
| F with This G | 2020 |
| Meron Na | 2023 |
| Walang Babala | 2020 |
| Balewala | 2019 |
| Pilosopo ft. Smugglaz | 2012 |