Informazioni sulla canzone In questa pagina puoi leggere il testo della canzone Tao Lang , di - Loonie. Data di rilascio: 31.12.2012
Lingua della canzone: Tagalog
Informazioni sulla canzone In questa pagina puoi leggere il testo della canzone Tao Lang , di - Loonie. Tao Lang |
| Tara lapitan natin. |
| Idol FlipTop tayu. |
| Tara isa lang kuya. Sige na… |
| Parinig naman ng rap mo! sample naman d’yan |
| Ang ganda naman ng cap mo! arbor nalang yan |
| Ang yabang mo naman! wala ka bang kanta na bago? |
| Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo? Ha? |
| Paulit-ulit ang tanong ng mga tao |
| Wag sanang apurado, anong magagawa ko? |
| Wala akong maisip, masyado pang mainit |
| Akala mo tuloy mukhang suplado pag tahimik |
| Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao |
| Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw |
| Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman |
| Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula |
| Laging puyat! Nagkalat ang papel na nilamukos |
| Andame ng kapeng ipinautos |
| Tinta ng aking bolpen, malapit ng maubos |
| Isang patak na lang pero aking ibubuhos |
| Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko |
| Ako ay tao lang din naman na tulad mo |
| Ano ba ang dapat na gawin |
| Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang |
| Pasensya na, tao lang |
| Pasensya na, tao lang |
| Pasensya na, tao lang |
| Sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda |
| Lumakad humakbang hanggang sa madapa |
| Wag kang mawawalan ng pag-asa, wag kang madadala |
| Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa |
| Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad |
| Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad |
| Kaya wag kang matakot magkamali |
| Pero alalay lang wag kang masyadong magmadali |
| Yan ang sabi sa akin ng aking itay |
| Na pinapaalala palagi sakin ni inay na kadalasan ay |
| Hindi nasusunod |
| Ayoko ng sumali, gusto kong manuod |
| Minsan wala ng gana, ayoko ng mag Rap |
| Kase akala ko dati, alam ko na lahat |
| Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis |
| Ngayon alam ko na kung ba’t may pambura ang lapis |
| Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko |
| Ako ay tao lang din naman na tulad mo |
| Ano ba ang dapat na gawin |
| Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang |
| Pasensya na, tao lang |
| Pasensya na, tao lang |
| Pasensya na |
| Pero di ba tao ka lang din, hindi mo ba napansin? |
| Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin |
| Kahit planuhin mong mabuti, bakit ganun pa din? |
| Di maiwasan na magkamali kahit anong gawin |
| Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran |
| Marami kang detalye na makakaligtaan |
| Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang g’anong alam |
| Ano magagawa mo? Tao ka lang |
| Napapagod, natatakot, naiinip |
| Natatawa, nagtataka, naiinggit |
| Nangangawit, nagagalit, nabibigla |
| Nalulungkot, nauutot, nahihiya |
| Natutukso, nakukonsensya, nauubusan din ng pasensya |
| Nasasaktan, nagmumura pero nagmamahal pa rin kahit natuto na |
| Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko |
| Ako ay tao lang din naman na tulad mo |
| Ano ba ang dapat na gawin |
| Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang |
| Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko |
| Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tao lang pasensya na) |
| Ano ba ang dapat na gawin (ano ba) |
| Dapat bang kamuhian (ano ba) |
| O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang |
| Pasensya na, tao lang |
| Pasensya na, tao lang |
| Kagaya mo, tao lang |
| Pasensya na… tao lang |
| Pasensya na, tao lang. |
| Pasensya na, sorry naman |
| Kung pwede lang sanang isoli na lang |
| Pasensya na |
| Nome | Anno |
|---|---|
| Amago | 2023 |
| Kapayapaan ft. KV | 2023 |
| Salamat Po ft. Rhyne | 2023 |
| Meron Pa ft. KV | 2023 |
| Quinta ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone | 2020 |
| Pamanggulo | 2023 |
| XXXX | 2023 |
| Eroplanong Papel ft. Smugglaz | 2023 |
| Tugmang Preso | 2023 |
| 3 Blind Mics ft. God's Will, Ron Henley | 2020 |
| Senyor | 2023 |
| XXX ft. Hi-C | 2020 |
| Sinungaling ft. Tuff, Ron Henley | 2020 |
| The Bobo Song | 2020 |
| Wag Ka Magdroga! | 2020 |
| Baby Don’t Cry ft. Quest feat. Lil' Keke | 2006 |
| F with This G | 2020 |
| Meron Na | 2023 |
| Walang Babala | 2020 |
| Balewala | 2019 |