Informazioni sulla canzone In questa pagina puoi leggere il testo della canzone Senyor , di - Loonie. Data di rilascio: 17.12.2023
Limitazioni di età: 18+
Lingua della canzone: Tagalog
Informazioni sulla canzone In questa pagina puoi leggere il testo della canzone Senyor , di - Loonie. Senyor |
| Ako ang naglatag ng hagdanan bago ka nakapanhik |
| Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid |
| Di mawawala kahit ang panahon ay magpalit |
| Papunta ka pa lang pangwalo ko nang balik |
| Napakapait kahit magpakabait (uh) |
| Kadalasan kung itrato napakasakit (uh) |
| Pilit ginagaya’t pinaplano madaig |
| Parang tatay ng mga ingratong magkakapatid |
| Nagpakamanhid sa mga tirang padaplis |
| Di rin basta nagpapadala sa dilang matamis |
| Pambihira ang bangis, tindigan at ng charisma partida di pa yan napapahiran ng |
| langis |
| Beterano ang galawan, malinis kung kumitil |
| Mahusay kung kumilatis at marunong pumisil (uh) |
| Kung sasagot ka sakin sa dulo dapat may ser |
| Di tayo magkapareho matuto kang lumebel! |
| Di tayo pantay |
| Halik sa singsing! |
| Magmano ka sabay |
| Halik sa singsing! |
| Ako ang iyong itay |
| Halik sa singsing! |
| Magmano ka sabay |
| Halik sa singsing! |
| Di tayo pantay |
| Halik sa singsing! |
| Magmano ka sabay |
| Halik sa singsing! |
| Ako ang iyong itay |
| Halik sa singsing! |
| Halik sa singsing! |
| Halik sa singsing! |
| Ako naglatag ng hagdanan bago ka nakapanhik |
| Ang nagpatag ng daanan bago ka nakatawid |
| Sa ganitong kultura di alam ang kalakip |
| Nitong mga gamu-gamo na sa apoy nagmamasid |
| Di to paingayan ng mga kanta sa net |
| O paramihan ng karangalang makakamit |
| O pabilisan sa karera, sa eksena sa halip |
| Patibayan 'to ng tuhod sa bundok na matarik |
| Di mo nabatid? |
| Dami mong kalaban |
| Hindi ka babayaran kung walang palakpakan |
| Yung mga kritiko na maraming nalalaman |
| At yung mga negosyanteng gagawin kang kasangkapan |
| Sa butas ng karayom dadaan ang kapalaran |
| Paghawak sa mikropono ay simula pa lamang |
| 'Pagkat madali magrap at sumampa sa tanghalan |
| Ngunit uubra ka ba kung usapan ay patagalan? |
| Di tayo pantay |
| Halik sa singsing! |
| Magmano ka sabay |
| Halik sa singsing! |
| Ako ang iyong itay |
| Halik sa singsing! |
| Magmano ka sabay |
| Halik sa singsing! |
| Di tayo pantay |
| Halik sa singsing! |
| Magmano ka sabay |
| Halik sa singsing! |
| Ako ang iyong itay |
| Halik sa singsing! |
| Halik sa singsing! |
| Halik sa singsing! |
| Mga ginoo at ginang |
| Nais ko pong magbigay-pugay |
| Sa mga senyor at mga senyora |
| Na nauna sa’kin |
| Simulan natin kay Francis Magalona |
| Andrew E, Michael V, Gloc 9 at Apoka |
| Urban Flow, Arbiewon, Mastaplann, BB Clan |
| Legit Misfitz, Ghetto Doggs (version one) |
| Denmark, Kulay, MC Lara, Lady Di |
| Bass Rhyme Posse, 4Eastflava, DFT |
| SVC, Madd Poets, Dcoy, Pamilya D |
| M.O.D., Chill, Artstrong, Trilogy |
| Death Threat, Syke, Oblaxz, Mastershock |
| Mikerapphone, Konflick, El Latino, Anthill Mobb |
| Chinese Mafia, Down Earf, Nastymack |
| Ang sarap sana ipagsama sa isang posse track |
| Pasensya di kumpleto di ko nabanggit lahat |
| Sila ang mga nakatatanda kong kapatid sa rap |
| Salamat sa mga ambag at mga kantang tumatak |
| Hayaan nyong alayan ko kayo ng mga bulaklak |
| Di tayo pantay |
| Halik sa singsing! |
| Magmano ka sabay |
| Halik sa singsing! |
| Ako ang iyong itay |
| Halik sa singsing! |
| Magmano ka sabay |
| Halik sa singsing! |
| Di tayo pantay |
| Halik sa singsing! |
| Magmano ka sabay |
| Halik sa singsing! |
| Ako ang iyong itay |
| Halik sa singsing! |
| Halik sa singsing! |
| Halik sa singsing! |
| Nome | Anno |
|---|---|
| Amago | 2023 |
| Kapayapaan ft. KV | 2023 |
| Salamat Po ft. Rhyne | 2023 |
| Meron Pa ft. KV | 2023 |
| Quinta ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone | 2020 |
| Pamanggulo | 2023 |
| XXXX | 2023 |
| Eroplanong Papel ft. Smugglaz | 2023 |
| Tugmang Preso | 2023 |
| 3 Blind Mics ft. God's Will, Ron Henley | 2020 |
| Tao Lang ft. Quest | 2012 |
| XXX ft. Hi-C | 2020 |
| Sinungaling ft. Tuff, Ron Henley | 2020 |
| The Bobo Song | 2020 |
| Wag Ka Magdroga! | 2020 |
| F with This G | 2020 |
| Meron Na | 2023 |
| Walang Babala | 2020 |
| Balewala | 2019 |
| Pilosopo ft. Smugglaz | 2012 |