| Sa wakas, meron na |
| Tapos na ang pagtitiis |
| Alam ko naman na marami nang mga naiinip at naiinis |
| Pasensya kung maraming mga extracurricular activities |
| Daig ko pa ang nagseminaryo sa tagal ko nang hindi nagrerelease |
| Kamusta Pilipins? Medyo matagal-tagal na rin nung huli akong naglabas (labas, |
| labas, labas) |
| Binuro na ng panahon, kaong-kaong na ang mga katas (katas, katas, katas) |
| Di na hahabaan pa ang intro, walang pakialam sa mga diss niyo |
| Lalong-lalo na kung galing lamang sa mga nakikisilong sa malawak kong anino |
| Wasak ang mga ego ng maangas at pabibo |
| Na akala mo kung sino na pantas at matalino |
| Pinapahinto ko ang algoritmo |
| Siguradong milyon bawat bagong video |
| Isa na’kong senyor parang Santo Niño |
| Paborito mong rapper ako ang paborito |
| Walang halong biro |
| Tinaguriang hari ng tugma sa mga computer shop |
| Sa’kin pa rin ang korona kahit magpabooster shot! (booster shot!) |
| Ang aking istilo’y merong sariling etiketa |
| Magingat sa mga imitasyon na binebenta |
| Bersikulong sinulat akala mo niriseta |
| Tinapos ng isang upuan parang bisikleta |
| Marami akong mga ataol na nireserba |
| Para sa mga rapper na utak may diperensya |
| Habang ang mga tira nyo ay aking dinededma |
| Isipan nyo naman ay libre ko na nirerenta |