Informazioni sulla canzone In questa pagina puoi trovare il testo della canzone Oka, artista - Gloc-9
Data di rilascio: 18.02.2021
Linguaggio delle canzoni: tagalog
Oka |
Buti na lang |
Sakin ay dumalaw ka |
Kung sino pa |
Yung di ko kilala |
Buti naman |
May nakaalala pa |
Sa tulad kong |
Lagi na lamang |
Mag-isa |
Ang himbing ng tulog ko dito sa sulok ng aking selda |
Nang may tumawag sa akin |
Di ako makapaniwala |
Ang tagal ko nang naka kulong ni wala manlang nangamusta |
Bakit ka ba naparito? Teka muna sino ka ba? |
Tawag nila sakin ay Waki di mo nako natatandaan? |
Nakainuman kita dati |
Dun sa luma niyong paradahan |
Ah ikaw ba yun o anong kailangan mo sakin? |
Wala naman tol gusto lamang kitang kausapin |
May dala ako ditong damit |
Baka nagugutom ka |
Hetong pagkain naka balot |
Pwede mong bigyan ang iba |
Oh ayos ah ano tayo mag syota? |
Pero salamat |
Sana nagdala ka ng toma |
Kung pwede lang sana eh |
Teka maiba ako |
Kumusta ka naman dito? |
Eto dakilang preso |
Napapadalas manalangin |
Pero naniwala na rin |
Na masyadong mataas ang langit |
At dito sa baba ang impyerno |
Buti na lang |
Sakin ay dumalaw ka |
Kung sino pa |
Yung di ko kilala |
Buti naman |
May nakaalala pa |
Sa tulad kong |
Lagi na lamang |
Mag-isa |
Ano nang plano mo? |
Ano pa eh di maghintay ng milagro |
Yun lang naman ang pwede kong gawin eh umasa kay poncio pilato |
Tsaka wala naman akong babalikan sa labas |
Dati nakong tambay |
Lagi pang utas |
Sakit ng ulo ni Tatay |
Palamunin ni Nanay |
Di ako nakatapos |
Suki pa ng away |
Wala na ngang trabaho |
Sa bisyo alipin pa |
Alak pati droga |
Sige mamili ka |
Di ko naman sila masisisi |
Anong gagawin ko ganito ako |
Sino ba naman ang mawiwili |
Pati kasintahan ko ginoyo ko |
Pero kung bakit ako naka kulong? |
Ibang usapan yun |
Tungkol dun sa babaeng pinatay |
Basta wala akong alam dun |
Bigla nalamang akong dinampot |
Sabi nila ako daw |
Dito nako bumantot |
Gusto ko nang bumitaw |
Minsan nga naiisip ko eh |
Napariwara na ba ako |
Buti nalang dumaan ka may nakakausap ako |
Buti na lang |
Sakin ay dumalaw ka |
Kung sino pa |
Yung di ko kilala |
Buti naman |
May nakaalala pa |
Sa tulad kong |
Lagi na lamang |
Mag-isa |
O bakit ngayon ka lang bumalik? |
Pinaghintay mo ako ng matagal |
Ano ka nag papasabik? |
'Yang mukha mong makapal |
Umalis ka na dito di kita kailangan |
Bakit ka nagagalit? |
Ikaw nga tong dinadamayan |
Huwag kang magmamalaki sakin |
Baka mapahiya ka |
At malaman ng lahat ng tao |
Kung bakit hindi ka makalaya |
Yung nobyang ginoyo mo diba yun yung namatay? |
Dahil gusto mong kunin yung pera pati relo niya sa kamay! |
Kasi lulong ka sa droga |
Kaya lahat tinalo mo |
'Yang pangalan mong Oka |
Gasgas na yan sa inyo |
Tapos lagi kang nagwawala |
Kapag malakas yung tama mo |
Kaya kawawa yung mga mahal mo |
Sa pag mamakaawa mo! |
Hindi ka nila natitiis kasi mahal ka nila |
Pero hinayaan mong numipis lahat ng pasesnya nila |
Tama lang sayo yan |
Ang mabagansya ka |
Isipin mo ninakaw mo pati sa pamangkin mong alkansya |
Akala mo ba may kausap ka? |
Sira wala |
Nasa mandaluyong ka |
Wala ka sa munting lupa |
At hindi araw ang buwan |
Huwag mong kulayan ng dilaw |
Si Oka ay si Waki |
Kasi ako ikaw |